Huwebes, Abril 7, 2011

Tatlong Tanong


Tatlong tanong at talong sagot na patanong lang sa gabing ito. Tara, maglaro tayo.



Hindi ba nasasaktan ang alon kapag inihahampas niya ng malakas ang kanyang sarili sa dalampasigan?

Malamang masakit, kaso hindi ba iyon ang higit niyang silbi?

Hindi ba talaga pwedeng matukoy ninuman ang hangganan ng bahaghari?

Importante pa bang sagutin ang tanong na yan, kung lubos ka namang naliligayahan sa hatid nitong ganda at kulay?

Kumakanta nga ba ang mga ibon habang lumilipad o ito’y huni lamang ng kanilang kalungkutan?

Naging o nasubukan mo na bang maging isang ibon?


1 komento:

  1. ay wow.. thinking aloud in palawan ba ito?..
    sige, try ko sagutin din..

    sa alon. malamang ay hindi dahil bahagi nga iyon kung bakit siya nilikha. kung oo man, malamang ay balewala iyon sa kanya dahil marahil alam niya na may halaga ang bawat hampas niya sa dalampasigan..(worth every pain kumbaga)..

    sa bahaghari. maaaring matuloy iyan ng siensya, bagamat kung ang pakiramdam ang babasehan, putol man ito o buo, di maikakaila ang ganda na alay nito. . (no reasons kumbaga.. just because lang)..

    sa ibon. naniniwala akong lahat ng may buhay ay may pakiramdam. sa usapang ito, ang huni ng ibon ay maaaring isang awitin ng posibleng wagas na kaligayahan o masidhing kalungkutan.. (life and love in all forms kumbaga)..

    magandang isipin kung ang lahat ng tao ay may kapasidad na tumigil ng pansamantala at mag isip sa mga hiwaga at tanong ng bawat pintig ng damdamin..

    TumugonBurahin