Lunes, Oktubre 18, 2010

Para Kay C, Mula Kay M.

M: Hindi ko alam ang pangarap na iyong sinasabi pero maliwanag sa akin kung gaano mo pinaghihirapan ang bawat larawan na kukumpleto sa iyong kaligayahan. Gusto kong ibulong sa hangin kung gaano ako nasasaktan sa tuwing nagigising ako na wala ka sa tabi ko. Kaibigan ko ang ulan at ang malamig na hangin, sinasamahan nila ako sa tuwing binabalot ako ng kalungkutan. Kailan ka kaya uuwi dito?

C: Gusto ko nang umuwi ng bahay. Nararamdaman kong lumalayo ako sa’yo at sa nakasanayan kong lugar. Ipipikit ko ang mga mata ko at uuwi ako mamayang gabi. May maghahatid sa akin at tiwala akong hindi nila ako ililigaw. Kung sakaling maaninag mo ako papalapit sa’yo, subukan mong lumapit at hagkan ang buo kong katawan. Huwag mo akong bibitawan hangga’t hindi mo bibigkasin ang mga salitang ‘Kamusta ka? Matagal na kitang hinihintay dito.’

Sa pinanggalingan ako'y muli mong makakasama.
M: Naiisip ko kung ano ang maaari kong sabihin at ikwento sa’yo pagdating mo dito. Kung saan kita unang ipapasyal habang nagbabalik-tanaw sa lahat ng mga magagandang karanasan natin sa buhay. Susubukan kong hindi ipakita sa’yo ang mga luha na hatid ng pangungulila ko. Ngunit ipangako mo ring magiging matatag ka hindi para sa akin, kundi para sa sarili mo.

C: Uuwi ako at pipilitin kong makita ka. Gusto kong mabuo ang larawan ng buhay ko. Susubukan kong maging maunawain sa lahat ng bagay. Ngunit subukan mo ring yakapin ang konsepto na hindi na tayo tulad ng dati. Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa’yo. Mahal kita at alam mo iyan.

M: At alam mo rin na mahal din kita. Mag-iingat ka d’yan.

Hindi ito ang relasyon at romansa na alam ng halos marami. Ito ang kwento ni M, para kay C. 

4 (na) komento:

  1. This made me a lil' bit teary-eyed. For whoever you owe this love with, I'm sure that girl/guy is happy to know that you love and value her/him. Inspiring ♥

    TumugonBurahin
  2. Tae! Nakarelate ako, now I just discovered your creative juice's haven. Finally.

    TumugonBurahin
  3. dumbfounded..

    nararamdaman kong nais makipagsabayan ng puso ko sa pagnanais mong umuwi.. matyaga ko ring hinihintay ang araw na magkakaroon na ko ng lakas ng loob na umuwi rin sa kinagisnang tahimik na lugar.. pero batid ko na hindi pa ako handa.. batid ko na malalim pa ang mga sugat..

    tama, marami ng nagbago.. pero may mga bagay na alam kong mananatili.. na kahit lumipas pa ang matagal na panahon, hindi na mawawala.. katulad ng mga ngiti na baon ko pa rin sa bawat araw na dumadaan..

    alam kong gusto ko pa rin syang makita.. hindi nga lang ngayon..

    masaya ako sa lakas ng loob mo.. naiinggit ako sa tapang mo..

    sana ako rin...

    TumugonBurahin