Kaninang umaga lang naging opisyal na sagabal sa pantasya ko ang isang text message mula sa isang kaibigan.
Waaah! Gumising akong asar hindi dahil masama ang pakiramdam ko, kundi dahil naputol ang isa sa napaka-gandang panaginip ko.
Sa makulay at masaya kong panaginip, may girlfriend akong isang med school student. Balingkinitan ang katawan, maamo magsalita at may napakagandang mata. May dalawang taon ang tanda niya sa akin, kilala din siya bilang isang magaling na manunulat at nagmula sa isang desenteng pamilya ng mga doktor. Magtataka kayo kung bakit alam ko kaagad ang ilang detalye ng buhay niya, ganoon din kasi ako. Ito marahil ang hiwaga sa likod ng mga panaginip.
Sige na, aaminin ko hindi ako kasing tangkad ni Jon Avila o kasing kisig ni Marc Nelson, ngunit maaaring mas makulit naman ako kay John Lloyd. Pero anong pakialam ko, sa puntong iyon mahal ako ng binibining may mukha ni Marian Rivera at Iza Calsado sa parehong taas ni Maja Salvador. Maraming tagpo ang naganap at pawang lahat ay nagustuhan ko. At dahil isa ngang panaginip, may ilang eksena ang agad kong nakalimutan. Ngunit isang eksena sa isang pampublikong parke ang talagang tumatak sa memorya ko. Sa nasabing lugar kami nag-usap ng masinsinan bilang isang magkasintahan.
Hindi ko alam ang pakiramdam ko sa bawat eksena na pinagtagpi-tagpi ng utak ko, isa lang ang malinaw – pag-ibig ang naramdaman ko, totoo. Anak ng kwek-kwek, eto na marahil ang pinaka-baduy na sinulat ko, pero utang na loob na-inlove ako sa panaginip ko. Salamat sa isang kaibigan na bumati ng “good morning. :)”, nawala ang maigsing pelikula ng imahinasyon ko. Sinubukan kong matulog muli ngunit talagang expired na ang ticket papunta sa napakagandang obra.
Ang panaginip na marahil ang isang obra ng imahinasyon na nagsasabi sa atin na hindi ‘ito’ ang realidad ng buhay. Gigising at babangon tayo mula sa samu’t saring mukha ng pantasya. At tanging tayo lamang ang nakaka-alam kung hanggang saan ang determinasyon natin para tuparin ang mga ito at maging realidad ang minsan nating pantasya.
Bagama’t ganoon na nga ang sinapit ng pelikula este ng pagpapantasya, natuwa pa rin ako dahil ang maigsing kwentong iyon ay nagbigay sa akin ng pag-asa na balang araw, oo malamang balang araw, iibig na rin ako gamit ang puso ko. Kaya ngayon, tanong ko sa sarili ko; napanaginipan din kaya niya ang lalaking hindi kasing tangkad ni Jon Avila, hindi kasing kisig ni Marc Nelson pero mas makulit pa kay John Lloyd? Maaari o maaaring assuming na ako sa puntong ito.
Sa mga susunod na araw, sana’y makita ko ang diwatang iyon sa totoong panahon at sana rin sa susunod na mga araw matuto na akong ilayo ang telepono sa katawan ko habang natutulog.
Siya nga pala, nagawa kong halikan ang binibini sa panaginip ko. Isang magandang pabaon.
hehe, naalala ko tuloy yung isang panaginip ko kung saan nag-slow dance daw kami ni Chris Tiu sa isang mala-prom na lugar. surprise daw ng isang kaibigan. =D
TumugonBurahingood luck finding that girl. just make sure she will also be lucky to find you. ;)
Ay ang cute, sana ako yung girl. chos! Me too I had a dream of this biggest crush of mine and he even gave me roses in front of my parents, kainis kasi my mom woke me up, kasi late na ako sa school! School can be so mean talaga!!!! chos!
TumugonBurahin♥ this, nakarelate ako!
Sayang dapat si Angel Locsin na lang napanaginipan mo! Hahahaha, kaso mas mahirap yun abutin. but who knows after niyo magkita maging close kayo sa isa't isa. hahaha! cool blog entry again. Ikawnaaaa!
TumugonBurahinSalamat, salamat!
TumugonBurahin