Lunes, Oktubre 25, 2010

Sampung Kilometrong Karanasan


10K: “Unang limang kilometro para kay Papa God at ang huling limang kilometro para sa bayan.”

Naging madali naman para sa akin ang unang limang kilometro, sa katunayan - kung hindi nagkakamali ang relos na suot ko, natakbo ko ang unang limang kilometro sa loob ng tatlumpu’t dalawang minuto. Habang tumatagal, ang mga sumusunod na kilometro ay naging isang napakabigat na pagtakbo, unti unti akong bumabagal at humihina. Kaya madalas na lang akong maglakad, kumuha ng larawan at pagmasdan ang samu’t saring suot ng mga tumatakbo. Ganunpaman, dahil para nga ito sa aking ipinaglalaban at sa aking lupang hinirang, patuloy ko pa ring sinubukang tumakbo at habulin ang bawat hiningang nawawala sa sistema ko. Mahirap at nakakapagod.

Natapos ko ang pagtakbo sa loob ng isang oras at tatlumpu’t pitong minuto. Labing pitong minutong huli sa ninanais ko. Ganunpaman, ang buong pagtakbo ay isang napakalaking tagumpay para sa akin. Sa huli isang masarap na almusal at isang naghihintay na kaibigan ang aking naging tropeyo!

Hindi ito ang huling pagtakbo ko, marami pang susunod dahil marami pa akong gustong alayan ng mga takbo ko. Malusog para sa puso at masarap sa pakiramdam ang mga karanasang ito.


“Hindi pala biro tumakbo, noh!” sabi ng mga babaeng nasa likuran ko habang tumatakbo. Tama po kayo, at hindi rin biro ang magsulat ng kwento habang nananakit ang halos pitumpu’t porsyentong bahagi ng katawan mo.


p.s. aksidente lang ang pagkasali ko dito. Salamat kay Mayang ligaw sa pag-imbeta sa akin ♥  Nasa ibaba ang resulta ng aming pagtakbo. :) 


5K: Para sa malusog na puso. 
10K: Para kay Papa God at sa bansa.

7 komento:

  1. It feels good to run, right? I knew it because I like running too. It makes me even stronger and active ♥

    TumugonBurahin
  2. Ang bilis mo namang magbigay ng komento. Hahaha! Salamat. Takbo ka din :)

    TumugonBurahin
  3. oi,haha.. masakit pa rin katawan mo.. natatawa talaga ako sayo.. nakita mo ba ang resulta ni iza calzado? lamang sya sayo ng halos tatlumpung minuto.. toinks..

    pwera biro, masaya akong nakasama kita.. sana yung susunod makasama pa rin kita.. nanaiisin kong tapusin ang unang 10k takbo ko sa pagkakataong ito..

    inggit ako, kanina ko pa gustong ipost yung result ko.. di ko makopya... hahaha...

    mabuti na yung katawan ang masakit.. kesa puso..
    toinks toinks toinks...

    TumugonBurahin
  4. Mabagal pa talaga ako.

    Mabuti pa si Iza ang bilis tumakbo. Sa susunod hihigitan ko na ang sarili kong race record. Salamat uli. :) Ang ganda ng pagkumpara mo sa puso at katawan.

    TumugonBurahin
  5. tsk tsk tsk...

    pagtakbo para sa malusog na puso.
    Pagtakbo para sa Diyos at sa bansa.

    Sana'y makasama ko kayo sa mga darating pang pagkakataong tumakbo.

    Congrats to the both of you :)

    TumugonBurahin
  6. oi..sumali dito tatay ko for 10k din, not so sure. Galing naman, subukan ko din kaya one time sumali sa mga ganito. Maganda talaga to for heart and it will lessen the risks for cancer and diseases.

    TumugonBurahin
  7. hahahaha.. tama si anonymous 2.. good for the heart.. at para maiwasan din ang cancer at other diseases..

    TumugonBurahin