Kanang kamay, patuloy sa pagtipa ng mga letra. Kaliwang kamay, pangsuporta sa ulo na bumibigat at nananakit sa bawat minutong lumilipas.
Wala pa rin akong klarong dahilan para maging masaya sa pagtatapos ng taon. Marami pa ring ano at sino akong hinihintay. Wala lang, sadyang matagal lang siguro ang byahe ng kani-kaniya nating buhay. Ipinapanalangin ko araw-araw na magkaroon ng isang dosenang pasensya at pag-unawa sa lahat ng bagay.
Hindi ako sumusuko, dahil alam kong ganito kagulo at kasiksik sa pagsubok ang napasok ko. Ayaw ko lang dumating sa punto na ito rin ang dahilan ng pagsuko ko. Kilala ako ng ilan dahil sa kakaiba kong tiwala sa sarili at hindi-gaanong-popular na prinsipyo, ngunit sa pagkakataon at puntong ito masaya akong aminin na mahina ako.
Anak ng kwek-kwek! Nangangalay na kaliwang kamay ko, yuyuko na muna ako.
oo nga.. naiiba ka nga.. hanga ako sa pasensya at tiwalang taglay mo sa buhay.. higit sa lahat, hanga ako sa lakas ng loob na inaalay mo sa paghihintay..
TumugonBurahintinamaan ako sa sinabi mong "wala ka pang malinaw na dahilan para maging masaya sa pagtatapos ng taon".. muli akong napaisip (kung sabagay, lagi naman pala akong nag iisip).. muling hinahanapan din ng dahilan ang papalapit na pagtatapos ng taon..
may pinagkaiba ba ito sa nakaraang pasko? wala naman halos..
bahala na.. sa mga nagdaang araw, natututo akong maging maluwag sa sarili ko.. anak ng kwek-kwek.. hahayaan ko ang mundong umikot para sa akin..
basta yun, anuman maging desisyon mo, dito din lang ako.. at kung sa paghahanap, hindi maging malinaw ang mga bagay bagay, mabuting ibukas ang sarili sa mga panibagong mag bibigay halaga sa ating bukas...
sige lang..
♥
TumugonBurahin