Bilang na ang araw ng taong 2010. Nangangahulugang nasisilip at nasisipat na natin ang bagong taon na paparating.
Totoo ang sinabi ng ibon na wala namang pagbabago kung magpapalit man ng taon. Isa lamang itong panibagong numero sa mga nakasabit nating kalendaryo. Totoo rin naman nung sinabi niyang maaari ka namang magsimula kahit kailan mo naisin, na hindi mo hinhintay na magpalitan ang buwan at taon.
Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, ganito naman ang paliwanag ko:
Sa unang araw na isinilang tayo ng ating mga ina mula sa kanilang sinapupunan biniyayaan tayo ng mundo ng natatanging araw para simulan ang pakikipag-kamay sa ating kinabukasan. Ito ang araw na sisimulan natin ang lahat, mula sa paghinga hanggang sa pinakahuli nating paghiram ng hininga. Ang unang araw ng taon o yung unang numero sa kalendaryo ay tila isang malakas na putok ng baril na nagsasabing umpisa na ng karera na itinakda ng tadhana at kinikilala ng nakararami. Naniniwala akong mas madadagdagan ang kompyansa ko sa sarili na tumakbo kasabay ang prinsipyo at pangarap ko kung alam kong nag-uumpisa ang panibagong taon. Sa unang araw lang nito ko mararamdaman na bago ang palaruan, na bago ang pahinang pagsusulatan at bago ang lahat – walang pagbabasehan, walang pagdududahan.
Sisimulan ko ang lahat sa paraang alam kong nararapat. Sisimulan ko ang lahat gamit ang tamang balanse ng puso at karunungan.
Tanging hinihintay ko na lang ay ang pagputok ng baril na hawak ni kapalaran. Tatakbo pa ako.
--
P.S. Nawa’y sa pagbukas ng bagong taon, matutunan mo na ring lumipad ng paunti-unti sa piling ng iyong bagong langit.
hindi pa ba?
TumugonBurahinBakit, oo na ba? Siguro oo na nga. :)
TumugonBurahinhaha.. hindi pa nga ata.. practice palang mag flap ng wings.. hehe..
TumugonBurahinI wanna see myself too in this coming years! Much more to wait. :) Hope to see you by that time, chaaar!
TumugonBurahin