“When you are no longer waiting and hoping you are dead.” – Rev. Fr. Jason Laguerta
Nagkataon na nagsawa ako sa Facebook at sinubukang lakarin ang EDSA Shrine, isa sa pinaka-paborito kong simbahan dito sa Maynila. At nagkataon pang advent recollection ang kabuuan ng oras. Tahimik akong umupo at nakinig, ang tema ay tungkol sa paghihintay at pag-asa sa kabila ng mga hindi kanais-nais na karanasan at sitwasyon.
Waiting is something not future-oriented, it is in fact present-oriented. Waiting is a gift from God.
Ibig sabihin, ang paghihintay ay hindi dapat nababatay sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, buwan o taon. Sa halip ang buong paghihintay ay dapat nakadikit sa kung ano ang nararamdaman mo ngayon at pagiging pamilyar sa maaaring mangyari sa hinaharap. Ibig sabihin ulit, kapag daw naging pamilyar ka na sa posibleng mangyari sa hinaharap ay unti unting mawawala ang takot at pag-aalinlangan na siya namang mapapalitan ng bagong pag-asa at tibay ng loob.
Noong una, tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang ito, marahil hindi ko agad naintindihan ang ideya ng masiyahing pari. Hanggang sa kinuwento niya ang tungkol sa kanyang ina na namatay sa sakit ilang buwan lang ang nakakalipas. Humiling siya ng milagro at biyaya sa Diyos, noong una akala niya talagang pinagaling na ng Diyos ang kanyang ina dahil matapos ang ilang ‘ritual interventions’ bigla na lang daw sumigla ito. Ngunit makalipas ang tatlong linggo, binawian na rin ito ng buhay.
Hindi naman pala gumaling ang nanay ko.
Hiniling niyang gumaling ito ngunit nagkamali siya ng inaasahan. Hanggang sa ibinahagi sa kanya ni Fr. Suarez - kilalang healing priest, na isa rin sa mga tumulong sa kanya, ang tungkol sa pagpapagaling.
There are two types of healing. One, you are healed when you no longer feel the pain and second when you are healed entirely with peace.
Ngayon, malinaw na ang lahat. Susubukan kong aralin ang sinasabi kong ‘art of waiting’ nang sa gayon, hindi man mawala eh mabawasan man lang ang bumabalot na kalungkutan sa buo kong sistema. Salamat sa napakagandang salita, sa napakagandang karanasan at sa napakagandang oras na iyong ibinahagi. Isa ito sa pinakapaborito kong miyerkules ng taon.
Hope is the thing with feathers
That perches in the soul,
That perches in the soul,
And sings the tune without the words,
And never stops at all,
-Emily Dickinson
-Emily Dickinson
yes yes.. what is worth having is worth waiting.. and yes yes yes.. healing comes in two forms..
TumugonBurahinmasaya ako sa blog mo na ito.. full of hope.. sa araw araw, dasal ko lagi na kahit hindi man ibigay sa akin ang hiling ko, okay lang basta tahimik ang puso ko.. na kahit hindi man sa akin ibigay, kaya ko pa rin itong alagaan ng buong puso.. alam kong maaari iyon...
maging bukas sa ngayon, at ang bukas ay darating on its own.. meantime, enjoy the healing.. and with high hopes, everything will be worth the wait...
hugs :)
Oh thank you!
TumugonBurahinI like that "what is worth having is worth waiting" Go!
TumugonBurahin