Plano ko sanang tumakbo ngayong araw, kaso mukhang masama talaga pakiramdam ko. Maya maya na lang nakita ko sarili kong nakaupo sa tabi ng hanay ng mga pipi’t bingi.
Napakatahamik (malamang!), tanging tawanan lang nila ang rumerehistro sa tenga ko.
Nahihiwagahan talaga ako sa paraan kung paano sila nakikipag-usap gamit ang iba’t ibang kumpas ng kanilang mga kamay. Naisip ko lang na napakaswerte nila dahil hindi nila masyado naririnig ang nakaka-asar na ingay na dulot ng mundo.
Naisip ko tuloy kung maswerte din ba ako gaya nila? Naalala ko tuloy ang mga nagdaang mga araw, wala lang.
Linggo: “Magiging maganda ang araw na ito, kahit na ang aga ng simula nito. Patungo na sa paliparan para sunduin ang mataba.”
Lunes: “Ayaw kong matulog, kung maaari gusto ko makita ang oras na gumagalaw kasama kayo… kahit na mahimbing na kayong natutulog.”
Martes: “Malungkot pero susubukan kong simulan ang lahat. Magsusulat at muling maglalakad.”
Miyerkules: “Ang sarap pakinggan ng Iyong salita. Salamat sa pagkakataong marinig Kang muli. Magiging masaya ako dahil buhay pa ako.”
Huwebes: “Napakaordinaryong araw lang nito. Naglakad lang ako hanggang marinig kong muli ang mahihiwaga Niyang salita.”
Biyernes: “Nakikipaglaro lang ako muli sa bagay na gustong gusto kong gawin. Malungkot dahil hindi ito ang para sa akin.”
Sabado: “Can you describe yourself? -- Nakakatuwang tanong mula sa isang kaibigan. Araw na tinapos ng napakaganda’t napakahiwagang musika at melodiya.”
Linggo: “Masama pakiramdam ko pero sige, patuloy lang… hanggang matapos ang taon”
Oo nga, maswerte nga siguro ako.
Hey, what ya mean by 'isang mundo't kalahati' like some sort of two and a half brothers? freakin' confused here! hahaha... it seems that you're week was fantastically made by God. Nice one Pilo! - heartloves
TumugonBurahin@heartloves - Ipapaliwanag ko ang ideya ko ng isang mundo't kalahati sa mga susunod na araw. You're codename is so lovely by the way! Ang bilis mo talaga magcomment, impress much. Haha!
TumugonBurahinAwwww sweet! go lang... I don't have blog site kasi eh, Facebook notes lang and wordpress. Hahaha! - heartloves
TumugonBurahinnaguilty tuloy ako na tinulugan ka lang namin nung linggo ng gabi at buong umaga..
TumugonBurahin:(
@MYAngligaw Haha! Hindi naman, okay lang yun. Mga pagod kasi kayo eh, naiintindihan ko. Nagkataon lang na may natitira pa sa lakas ko para manatiling gising. Hehe!
TumugonBurahinNext time, next time. :)