Sabado, Disyembre 11, 2010

Isang Mundo't Kalahati.

Isang araw.
Bata: May nasira akong isang espesyal na bagay.
Matanda: Malaki ba ang sira?
Bata: Ano pagkakaiba ng malaking sira sa maliit na sira?
Matanda: Mas madaling ayusin ang may maliit na sira kumpara sa may malaking sira.
Bata: Wala pa ring pagkakaiba, sira pa rin sila pareho.

Pinakita ang sira ng basag-basag na pigurin.
Matanda: Maliliit ang sira nito, mahirap ayusin.
Bata: Akala ko ba, madaling ayusin ang maliliit na sira?
Matanda: Maliit nga na sira ngunit sobrang madami.
Bata: Maliliit pa rin.

Makulit na mas naging makulit.
Matanda: Mahirap gawing papel ang isang garapon ng abo.
Bata: Bakit?
Matanda: Dahil imposible.
Bata: Bakit?
Matanda: Dahil kahit sinong lapitan mo, hindi na maibabalik ang dati niyang ayos.
Bata: Bakit?
Matanda: Dahil walang pag-asa, sirang sira na.
Bata: Bakit?
Matanda: Wala na tayong magagawa kundi tanggapin na sira at wala na itong silbi.
Bata: Bakit?
Matanda: Hindi mo pa rin talaga ako titigilan sa mga ‘bakit’ mo noh?
Bata: Bakit hindi?

Naging seryoso ang makulit.
Bata: Kaya ba pinipili mong pasanin ako buong buhay mo?
Matanda: Ano naman kinalaman noon?
Bata: Dahil alam mong wala ng pag-asa, imposible ng maayos pa.
Matanda: Iba ka naman sa bagay na ipinapaayos mo.
Bata: Ngunit pareho pa rin kaming may sira, malaki man o maliit di ba?


Biglang tahimik, na mas naging tahimik.

Bata: Tulungan mo ulit akong maglakad.
Matanda: Imposible.
Bata: Kung tutulungan mo akong maglakad, tutulungan din kita.
Matanda: Tutulungan mo ako saan? Nakakalakad naman ako.
Bata: Hindi, tutulungan kitang maniwala.

Limang taon ng hindi nakakalakad ang makulit na si Bata dahil sa nakaraang pagsabog sa Timog. Tanging ang kaibigan nitong si Matanda ang pumapasan dito kapag gusto nitong maglakad at mamasyal. 

2 komento: