Nalulungkot talaga ako.
Sa lahat ng tao sa mundo bakit ako pa ang mabibiktima ng panahon at pagkakataon? Ginawa siguro ang taon na ito para lang sa akin, kung hindi naman ginawa ako para sa kakaibang taon na ito.
Ang sipon kong ito ay halos dalawang linggo na, walang tigil sa kasisinga at kasisinghot ang namumula kong ilong. Karaniwan namang nawawala ito agad, sadyang nakakairita lang sa pakiramdam. Sana naging sipon na lang ang sitwasyon ko sa kasalukuyan, yung tipong kahit mamula na ang puso at kaluluwa ko sa hirap eh ayos lang dahil alam kong mawawala din ito.
Pero ang katotohanan sa likod ng nakalulungkot na sipon at realidad ng buhay, ay hindi mo alam kung kailan ito mawawala. Hassle ika nga.
That is something unforgiveable. I could’ve asked you to go out. Oo talaga.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang pagpupumilit kong ito, pero ang malinaw sa ngayon ay ang katotohanang may karugtong pa ang eksenang ito at ang pagpipinta ng kwentong ito. Hindi ko lang alam kung kailan.
sa lahat naman ng pwedeng masulat, sipon pa naiisip mong topic.. mmm.. naalala ko tuloy yung usapan natin nung sabado.. yung pinagtatalunan natin ang paparating na bagong taon...
TumugonBurahinsabi mo excited ka mag bagong taon.. sabi ko wala naman pinagkaiba yun maliban sa pagbabago ng numero.. everything else will be the same..
pero sabi mo, iba pa din.. simbolo pa rin iyon ng bagong simulain.. ewan ko, hindi ko pa din magawang maintindihan.. it's still the same.. it will always be the same..
sorry, nega ata ako..
sa ngayon, sana gumaling na sipon mo..
kita tayo sa linggo.. baka pagnagkataon, maging masaya na ang sipon mo..
:)