Sabado, Nobyembre 13, 2010

Para Kay Kaytian

Kaytian.

Lagi kang laman ng panalangin ko. Laging kong binubulong kay Papa God na gabayan ka at ilapit ang puso mo sa Kanya. Dahil higit kaninuman, ikaw ang lubos na nasasaktan sa malabo at malungkot na sitwasyon natin. Sa bawat ginagawa ko, iniisip ko kung kaya kong ibsan ang mga nararamdaman mo. Matagal na tayong hindi nagkikita, matagal ko na ring hindi naririnig ang mga pilyo mong tawa. Ipinangako ko noon ang ilang simpleng bagay sa’yo, pero kahit anong pilit kong gawin talagang hindi sumasakto ang pagkakataon sa mga desisyon ko.

Kaunting pasensya at pag-unawa sa sitwasyon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang bagyo sa nakasanayang lugar, ngunit pipilitin kong baguhin ang timpla at kulay ng dati nating palaruan. Tatagan mo ang pisi at subukan mong bitbitin ang pag-asa na natitira sa puso mo, subukan mo akong gayahin sa pagkakataong ito. Gawin mo ito para sa sarili mo. Marami kang pangarap at marami pa tayong pag-uusapan.

Mag-ingat ka. Mahal na mahal kita Kaytian!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento