Linggo, Agosto 29, 2010

Mundo ng Minsan at Madalas

Madalas kong subukan ang maraming bagay at liko sa buhay.
Madalas kong suriin ang problema sa bahay.
Madalas kong hawakan ang namamaga Niyang mga kamay.
Madalas ko na ring lakarin ang simbolo ng kawalan ng kulay.

Minsan kong pinigilan ang pagtangis nitong binatang puso.
Minsan kong inisip kung ganito ba talaga magmahal tayong mga tao?
Minsan kong tinapakan ang sarili kong anino para sa’yo.
Minsan mo na rin akong inilayo sa piling mo.

Madalas kitang makita sa saliw na napakagandang musika.
Madalas kitang marinig na tumatawa sa linyang ‘di naman talaga nakakatawa.
Madalas kitang napapanaginipang masaya.
Madalas na rin akong magsulat ng mga malulungkot na tula.

Minsan na nila akong pinatawa at pinagtulungan.
Minsan na nila akong sinamahan, dinamayan at pinakinggan.
Minsan na nila akong iniwan at muling binalikan.
Minsan ko na rin silang makita at makakwentuhan.

Madalas akong tumatawa at nag-iisip sa kabilang banda.
Madalas akong nanghihina sa hanging dala ng Maynila.
Madalas akong naglalakad patungo sa daan na nawawala.
Madalas ko na ring makita sarili kong natutulala.


Minsan at madalas na rin akong malungkot at nag-iisa. 

2 komento:

  1. habang binabasa ang mga naisulat, iniisip ko kung ano talaga ang laman ng kalooban mo? naisip ko din na madalas siguro, i am too much overwhelmed with my process that i also fail to explore kung ano din ang saloobin mo.

    magkaganun man, sana alam mo na kahit may pinag dadaan din ako, handa rin akong makinig sa mga kwento mo.

    TumugonBurahin
  2. Hahaha! Hindi mo na kailangang sabihin iyan Binibining Yellowcab. Malugod kitang nauunawaan. :) Sa ngayon, sabay nating yakapin ang hanging dala ng nakalulungkot na panahon.

    TumugonBurahin