Huwebes, Pebrero 17, 2011

Biyaheng Recto


Ang tagpo.

Maitim na ang kalangitan at mausok pa sa buong kapaligiran.
Maraming nagmamadaling paa ang pakalat-kalat sa kung saan saan.
Isang nilalang sa isang napakahaba’t modernong sasakyan.
Isang kaluluwa na namang naliligaw, pansamantala’t lilisan.

Isang espesyal na araw sa kabilang banda.
Isang napakalungkot na alaala sa nawawalang binata.
Utang na loob kapalaran, bakit mo ginugulo si katahimikan.
Patuloy lang ang pagkalabit ni nakalipas sa masayang si kasalukuyan.

Ang kapangyarihan.

Sinasabi ko sa’yo, tumayo ka at mag-isip.
Pag-isipan ang alin?
Hayaang palutangin ka ng iyong iniisip.
Palutangin? Papaano?

Ang kaibigan.

May nakilala akong kaibigan.
Kagandahan at talino niya ako’y biglang pinasikatan.
Marami na daw siyang napagdaanan at napatunayan.
Sayang lang dahil sa imahinasyon ko siya nanunuluyan.

Buhay nga naman.
Pabagu-bago. Pabugsu-bugso. 

Larawan mula sa Manila Manila

6 (na) komento:

  1. mmm... yah, weird noh? how life gives you gifts and then later taken away.. then when you think you're doing well, here it is again, playing around with your thoughts and heartbeats...

    hirap noh... but in the end, its all about decisions.. in the end, kailangan mong pumili at panindigan and pinili kahit may mag bago pa along the way..

    thats what you call love at its best.. its fighting even if everyone else thinks its gone..

    toinks.. unless, only freaks do that?

    hahaha...

    TumugonBurahin
  2. So ikaw pala si Pilosopong Komikero. Umiibig ka ba ngayon? Bakit parang gulong gulo ka?? Patuloy lang sa pagkilala ng pag-ibig, lakad lang. di baleng maligaw, wag lang kalimutang bumalik sa tahanan.

    TumugonBurahin
  3. I think this is how circle of life works. hindi naman ako lito, ligaw lang.

    Umiibig? The safest answer is yes. Still learning that same old concept of love.

    TumugonBurahin
  4. @PK.. ligaw? gumaya ka pa sa akin.. hehe.. pero ok lang yan.. mas mararamdaman daw natin ang mas magandang mundo kapag nalampasan na natin ang kalituhang dulot ng buhay... sabi nga, with confusion comes clarity in the end..

    meanwhile, you chose to love today.. its not i guess just the safe answer.. its the plain truth..

    there is after all no old concept of love.. its the same, yesterday,today, and tomorrow.. :)

    TumugonBurahin
  5. Lahat naman tayo ligaw.

    May iba lang talaga na pinipiling sumama sa kinasanayan nilang daanan, sa akin walang kaso kung maligaw ako sa kung saan basta alam ko kung saan ko hahanapin ang puso ko. Magiging maligaya naman tayong lahat sa bandang huli, alam Niya yan.

    TumugonBurahin
  6. ay hindi rin.. dumating din sa buhay ko na alam na alam ko kung saan talaga ako patungo.. kung saan ko talaga gustong pumunta.. alam mo yung pakiramdam na kaya mong banggain ang kahit ano dahil alam mong may kasama ka.. sa mga mga oras na iyon, alam kong kahit saan ako ilipad, di ko mararamdaman kahit kelan na naliligaw o maliligaw ako.. kasi nga, kasama ko ang gustong kasama ng puso ko..

    oha.. magugulat ka na naman sa mga pinag ngangangawa ko dito.. see, its good when i am kinda sick... my senses open.. ahahaha...

    TumugonBurahin