Huwebes, Setyembre 9, 2010

Ang Tipo Kong Babae

Sa mundong nilikha nila Belo at Calayan,
Kababaihan nagkakagulo sa iisang kagandahan.
Maputing balat daw dapat ang kailangan,
Sa paglakad, 36-24-36 din daw dapat ang katawan.

Sa kalsada, larawan ng mga artista ang makikitang pigura.
Mukha nila Kim Chui, Kris Aquino at Marian Rivera,
Ito din daw kasi hilig ng mga motorista’t namamasada.
Mga kagandahang minsa’y hiram sa balat ng teknolohiya.

Sa paligsahan, suot suot nila’y ibibida.
Balingkinitang katawan kanilang irarampa.
Maiitim at maliliit hindi daw dapat umeksena,
Mga mala-tore’t higanteng taas dapat ang mga reyna.

Kaya sa paaralan, kalsada at maging sa opisina,
Samu’t saring inggitan, sa kababaihan mo’y mapupuna,
Sa kung alin ang tamang paraan ng pagpapaganda.
Sa gaya ko, hindi ganito ang gusto kong ganda.

Sa namamayagpag na modernong mundo,
Nawa’y ang kagandahan hindi makulong dito.
Na ang kababaihan may iba’t ibang ganda at tipo,
Na ang kagandahan nagmumula sa loob at puso.

Kung alam lang ng mga kababaihan,
Na walang iisang mukha ang kagandahan.
Hindi sisikat sila Belo at Calayan.
Walang Miss Universe at wala ring inggitan. 

5 komento:

  1. bigla kong natanong sarili ko kung maganda ako..
    hmm..

    TumugonBurahin
  2. i-share mo naman ito sa fb, tapos i-shashare ko rin! =D

    ugh, tagal kong 'di nakakasulat. may essay ako tungkol sa ganito ganyan, pero 'di ko natatapos. isa sa mga ito ay ang kagandahan. hmp!

    humanda sila! wahaha!

    TumugonBurahin
  3. Magandang araw @urban miss, naibahagi ko na sa personal profile ko sa Facebook ang tulang ito. :)

    Maraming salamat sa pagbabasa, sana'y nakatulong ako sa pagbuo mo ng sanaysay.

    TumugonBurahin
  4. sana lahat ng tao,
    hindi lang panlabas na kagandahan ang nakikita sa kapwa nila.

    TumugonBurahin