Martes, Setyembre 28, 2010

Wishlist

Malayo pa ang pasko o kaarawan ko, pero sa puntong ito mukhang trip ko ata ang gumawa ng listahan ng gusto kong makuha o sa madaling salita, wishlist. Hindi pala biro ang gumawa ng wishlist, pero susubukan kong isa-isahin ang mga bagay na gusto kong makuha sa mga susunod na araw, buwan o siguro sa susunod na taon o hindi kaya sa susunod at susunod pang taon.

#1 New family picture. Hindi ko na alam kung kailan kami huling nagkaroon ng family picture. Halos wala na rin akong makitang larawan na magkakasama kami. ‘Yung huling kopya (na nasa Cebu kami) ginamit ko sa isang scrapbook project noong college. Kaya kung magkakaroon man kami ng isa, gusto ko sana yung pusturang pustura kami at may isang wacky pose. Hahaha!

#2 Meet Angel Locsin in-person. Minsan lang akong maging tao, kaya kung may pagkakataon gusto ko makasama si Angel sa kahit na anong gawain. Walang kaso kung may ibang tao, basta’t may pagkakataon na makapag-usap kami. Napaka-ambisyoso ko, pero sinong makakapagsasabi – hahaha! Humirit pa.


#3 Blackberry playbook. Wala naman talaga akong hilig sa mga gadget, maging nasa uso man o luma ang mga iyan. Kaya huwag na kayong magtaka kung makita ninyo akong nagsusulat sa postcard. Lumang kaluluwa talaga ako.  Ngunit ang isang ito gusto kong mahawakan at magamit dahil sa sinasabing kakaiba nitong features – kung anuman ang mga iyon.

#4 Gitara. Hindi ako marunong tumugtog ng gitara, sa katunuyan gusto kong matuto kaya nasa listahan ang bagay na ito. Masayang matuto ng mga bagong bagay, sana nga lang maging madali para sa akin. Parte na kasi ng sistema ko ang musika kaya tatangkain kong gumawa ng kanta sa pagkakataong ito.

#5 Magic 8-ball. Isang beses ko lang nakita ang napaka-ordinaryo’t nakaka-aliw na laruang ito sa isang mall sa Ortigas at hindi ko pa nabili. ‘Yun kasi ang panahon na naiwan ko ang ATM card ko at wala akong dalang pera. Kaya ngayon, mahigit walong buwan ng out-of-stock ang laruang ito ayon sa pitong malalaking mall na pinuntahan ko. Malas.

#6 5-day silent retreat. Matagal ko na talagang gusto ito. Noong college, maraming pagkakataon na nalalampasan ko ang samu’t saring imbitasyon mula sa mga kaibigan, guro at kaklase. Kaya ngayon pilit ko naman hinahanap ang pagkakataong mayakap ang sinasabing katahimikan sa kabila ng ingay na dala ng siyudad.
 
#7 Thai Massage. Isang magandang regalo para sa laging pagod na katawan. Isang luho na magdadala sa’yo sa kakaibang pakiramdam at ginhawa. Masaya na paminsan-minsan nireregaluhan mo ang iyong katawan matapos na abusuhin at gamitin ng sapilitan. Ito na ata ang pinakamalupit na pagsasalarawan ko sa katawan. Haha!

#8 Trip to Singapore. Gusto kong tumapak sa isang bagong lugar na may iba’t-ibang itsura ng tao. Nais ko kasing tuklasin ang iba’t-ibang kultura ng ibang lahi. Kahit na malapit sa bansa, iba pa rin kasi ang mga Asyano kumpara sa ibang nilalang. Gusto ko rin bumili ng mga bagay at kumain ng ibang pagkain na wala sa bansa. Oh sige, ‘yung una’t pangalawang dahilan, palusot ko lang at ‘yung huling rason ang totoong intensyon ko.

#9 Girlfriend. Nakakatawa. ♥

Isang malaking ‘Haaay’. Hindi ko alam kung isa sa kanila ay matutupad sa mga susunod na araw, buwan o siguro sa susunod na taon o hindi kaya sa susunod at susunod pang taon, pero sana sa pagdating ng panahon mas maintindihan ko pa ang konsepto ng kaligayahan - hindi man sa piling ng isa sa aking wishlist. Ikaw, ano nasa wishlist mo?  

5 komento:

  1. Gusto ko rin ang second, third and eighth items mo sa wishlist mo. Super cool!!! Lagi mo na akong makikita sa mga 'puna' mo hehehehe ♥ ♥ ♥ Love the way you write so relaxing, witty and very calm ang style. Write even more Pilo!!!

    TumugonBurahin
  2. i love the last one,
    been thinking about that recently,
    only, wala ngalang gender in particular,
    parang, hmmfrend XDD

    by the way annonymous said something true...
    continue writing ...

    TumugonBurahin
  3. im also looking forward to a retreat.. hopefully ill get one before the year ends..

    the magic eight ball na mahight 8 buwan ko na rin inaabangan.. i dont know whats in it.. but i just love the thought of having one.. pakiramdam ko , soulmate ko sya...

    dapat matupad ko ang nuber two.. nang sa ganun, super malamangan mo si chubs.. ahhaha..

    TumugonBurahin
  4. Maraming salamat sa inyo @HindiNagpakilala at @theBOSS! Ayos yung hmmfriend, nakakatawa.

    @MYAngligaw, nakita ko na si Angel Locsin ng malapitan sa Rockwell, hindi nga lang kami nag-usap. Haha!

    TumugonBurahin
  5. agree with anonymous and brent,
    continue writing, guess you were born for it.
    had a bucket list, yung nga lang the list should be done with someone. quite different sa wishlist.

    based sa ginawa mo kuya, i wish na mangyari sa'kin ang numbers 1,4,6,7, and 8.

    TumugonBurahin