Punto niya.
Ang pinakamasarap na parte ng hapag ay ‘yung nasa hulihan. Kwento pa niya. Ngunit balewala ang dala nitong sarap kung hindi mo rin naman titikman ang mga nauna.
Bago mo raw maranasan ang masarap na huling parte ng buhay dapat muna raw madama, malanghap at mayakap ng maigi ng sinuman ang kanyang nakaraan o past. Ito ang tema ng buong sermon ng magaling na pari sa isang maliit na parokya.
Kalituhan ko.
Oo nga naman. Hindi nga naman maaring husgahan ang isang kwento sa biglang pagtingin at pagbasa ng huling parte nito. Dapat nga namang tignan ang kabuuang konteksto at kaisipang naihatid at naihayag ng mga salitang ito.
Ngunit, ano nga ba ang masarap na panghimagas o magandang kwento?
Bakit madalas katakutan ang kamatayan sa halip na paghandaan?
Bakit ganoon na lang kahirap damhin, langhapin at yakapin ang nakaraan?
Oh ayan.
Nag-iisip na naman pala ang buong sistema ko.
kasi minsan, ganun lang talaga..
TumugonBurahinoo,
ganun lang talaga...