Noon pa man makakita lang ako ng bata buong buo na ang araw ko. Lumaki ako na may maraming batang nakikita at nakakalaro. Una kong piniling hanap-buhay ay may kinalaman din sa pakikitungo sa mga bata. At maging sa ngayon, kausap ko rin mga bata na may batang kaluluwa.
Likas silang masiyahin at puno ng enerhiya na nakapaloob sa kanilang sistema. At dahil minsan sadyang lang talaga silang nakakatawa.
Unang tagpo: Isang umuulang araw sa pampasaherong FX sa Ortigas...
Bata#1: Mama, gusto ko 'pag high school ko, d'yan ako mag-aaral ah. (Sabay nguso sa Poveda College)
Nanay#1: Nathan naman, for girls only yan eh.
Minsan kahit anong suporta sa mga bata, ang institusyon pa rin ang magpapasya at magtatakda. Higit sa anupaman, ang tangi mong magagawa ay ang suportahan sila sa kung saan nila gustong lumaki at kung saan nila gustong matuto habang lumalaki. Gabay mo ang pasaporte nila.
Pangalawang tagpo: Isang maulan na hapon sa isang mall sa Sta. Mesa, isang mag-ama ang kumakain - isang lamesa ang pagitan sa aking kinauupuan...
Tatay#1: Baby hurry up, daddy's not feeling well na.
Bata#2: Oh no! No... (*nag-aalalang tugon)
Tatay#1: I love you 'nak. (*mukhang naapektuhan dahil sa pag-aalala ng anak)
Bata#2: How can you buy me a magic pencil, if you're not feeling well?
Sinilip ko ang reaksyon ng tatay, naku't mukhang nagbago. Patay kang bata ka!
Minsan kahit anong pagpapakita natin ng ating mga nararamdamang kahinaan sa kanila, nauuna pa rin ang natural nilang pagiging bata. Tugon man nila'y hindi natin minsang inaasahan at naiintindihan, isipin na lang natin na mundo ng mga bata ang ginagalawan nila at sila ang bida dito. Ang pagdaan sa yugtong ito ay mahalaga, bukod marahil sa magic pencil.
Huling tagpo: Habang binubuksan ko ang nakasaradong gate ng bahay, isang makulit na anim na taong gulang na batang lalaki ang agad na tuwang tuwang lumapit sa akin...
Bata#3: Kuya Marsheeee! Ang snub mo naman.
Ako: Eh kakalapit mo lang eh, oh eh di "Hi Cai!"
Bata#3: Hindi yan, i-greet mo naman ako. Birthday ko na bukaaas!
Ako: Okay sige. (Habang papasok na ng bahay)
Bata#3: Hmmmp... bahala ka nga!
Ako: Kasi nga di ba, bukas pa naman!
Bata#3: Oh ewan ko sa'yo! (Habang patakbong palayo sa akin)
Hindi ko alam kung malulungkot ako o matatawa sa reaksyon ni Cai sa sinabi ko. Malay ko bang gusto nya nang marinig ang pre-birthday greeting ko. Kaloko!
Madalas magtampo ang mga bata sa lahat ng mga bagay na minsan sa tingin nating matatanda ay mababaw. Ngunit makalipas ang minuto o oras, nawawala din agad ang di-gaanong magandang timpla ng kanilang pakiramdam. Walang halong sama ng loob ika nga. Higit nilang pinahahalagahan ang oras at bawat bagay na ginagawa nila maging malaki man o maliit ito para sa atin.
Minsan ang kwento ng mga bata, maging nakakatawa man o hindi, ay kapupulutan nating mga matatanda.
Oh siya! Happy birthday Cai (bukas)!
haay... sarap naman.. di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot..
TumugonBurahinsa unang banda, natutuwa ako makabasa ng mga kwentong patungkol sa mga bata.
sa sunod na tagpo, higit pa sa lungkot ang nararamdaman ko.. kakaibang sakit ang nararamdaman ko.. mahirap ipaliwanag kung bakit..
naisip ko din si mai-mai.. ang paborito kong pinsan.. merely talking to her is enough to complete my tiring day..
pangarap ko pa rin magkaroon ng day care center ko.. at masaya ako na may kaibigan akong handang tumulong para matupad ko din iyon..
sa aking pagtatapos..
Mya: mai, ill be going to manila na..
Mai: ok.. but can you come home every month?
Mya: toinks.. i dont think so mai..
missing mai-mai so much..
i hope little one sees me..
happy birthday cai..