Biyernes, Setyembre 17, 2010

Four Seasons

Big street. Sa mga nagtataasang gusali - sa malalawak na kalye, makikita ang napakaraming simbolo ng pag-asa. Sinasabing oportunidad at tagumpay ang kakatok sa tadhana ng sinumang matyaga at nagsusumikap.

Shining pebbles. Naglalabasan ang mga naggagandahang palamuti na nakasabit sa taas, sa tuwing uuwi ang malaking dilaw. Marami ang nagtatanim ng pangako, hiling at marahil pag-asa sa mga mumunting punla ng langit. 

Silver drop. Luha sa mga may mabibigat na dala habang pigura ng tunay na kaibigan naman sa iilang nilalang. Kakaibang patak na nanggagaling sa taas hudyat marahil na may paparating na surpresa para sa lahat na nakatingala.

Green sky. May kapangyarihang dala ang bughaw at puting pinta na mula sa tela ng kalangitan na hindi kayang ihayag sa mga salita. Magandang kinabukasan ang dala nito sa lahat ng mga umaasang kaluluwa, maliliit man o malalaking likha. 

4 (na) komento:

  1. oi.. ang ganda ng drawing.. pano mo ginawa.. sumaya talaga ako..

    inindyan mo ako sa bookfair..

    anong season ka ba ngayon?

    TumugonBurahin
  2. sabi na nga ba, gawa mo ang drawing, cute.

    bakit di ko makita ang image ng shinning pebbles.

    TumugonBurahin
  3. @MYAngligaw: Unang una sa lahat, pasensya. Sa iyong tanong, iginuhit ko ito sa tulong ng Microsoft Paint (inspired by Hyperbole and A Half blog). Asahan mong marami pa akong gagawing ganito sa mga susunod na araw. :)


    @simpliXIEty: Salamat sa papuri. Sa iyong tanong, subukan mong sagutin iyan sa ilalim ng Silver drop. Maganda na minsan napapatakan tayo ng mga mumunting tubig mula sa itaas. Sana'y makatulong iyan sa'yong paghahanap. :)


    Siya nga pala, ipinakikilala ko sa inyo si Pilo - bago kong kaibigan dito. Magandang araw sa inyo!

    TumugonBurahin
  4. yap.. galing talaga.. parang may katapat na si hyperbole and a half.. i follow her blog din..

    gawa ka naman with sunshines..

    TumugonBurahin