Martes, Setyembre 7, 2010

Kung Bakit Ako Nagsusulat

Sa mga oras na naglapit ang imahinasyon at puso ko, yun ang mga mahahalagang punto na nagiging ako ang bawat salitang ipinipinta ko.

Hindi ako magaling na manunulat gaya ng ilang kilala ko, basta ang tanging alam ko totoong manunulat ako.

Sa mga oras na katabi ko ang musika, iba’t ibang kilalang mukha ang nakikita ko. Nakikita ko siya na nalulungkot sa bawat salitang nababanggit ng hangin para sa kanya. Nakikita ko ang tagumpay niya sa bawat ngiting nakapinta sa mukha niya. Nakikita ko ang pagsisikap niya sa bawat palihim na bagay na ginagawa niya. Maaaring mahina ang pakiramdam ko pero hindi ang nararamdaman ng puso ko.

Sa mga oras na kasama ko ang kaluluwa ko, iba’t ibang bagay ang higit kong pinapasalamatan. Natutuwa ako na nariyan Siya sa tabi ko sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok na pinagdaraanan ko. Natutuwa ako na nakatayo pa rin ang bahay ko sa kabila ng bagyong naranasan nito. Natutuwa ako na nariyan silang lahat, kumpleto’t buo na sasama sa paglalakbay ko. Maaaring makasarili ako pero hindi sa pagmamahal na kaya kong ipamahagi.

Sa mga oras na kaibigan ko ang panahon, iba’t ibang bagay ang nagagawa ko. Kayang gumalaw ng daliri ko para tipahin ang bawat titik na nais nitong ikuwento. Kayang sumabay ng imahinasyon ko sa saliw ng iba’t ibang emosyong nararamdaman ko. Kayang tumakbo ng mata ko sa kilo-kilometrong layo ng kaisipan ko. Maaaring malabo ang paningin ko pero hindi ang mga nakikita ko.

Sa mga oras na ito, kaya kong sumalat ng totoong kwento.

4 (na) komento:

  1. wow.. ganda naman... hay...
    gusto ko rin maging magaling na manunulat...

    TumugonBurahin
  2. @republika imahinasyon:
    walang halong biro 'to ha...

    ever since, bilib na talaga ako sa'yo, kaya nga iniidolo kita noon pa man. saludo ako sa bawat bagay na ginawa, ginagawa, at gagawin mo. kung para sa sarili mo, isang totoong manunulat ka, para sa akin, isang makata ang marshal murillo na kilala ko. patuloy lang sa pagsulat, sabi mo nga, malabo man ang paningin mo, hindi yan magiging hadlang sa bawat kwento mo.

    @yellowcab: sabi ko nga noon sa comment ko, gusto ko ring maging tulad mo, isang magaling na manunulat. pero sabi mo, express ko lang ang sarili. thanks for that. mwaah!

    TumugonBurahin
  3. Maraming salamat @simpliXIEty. :) Tuloy lang ang pagsusulat.

    TumugonBurahin